February 26th, 2007
Gira Con Me
GIRA CON ME ( Josh Groban)
| | |
|
|
|
GIRA CON ME ( Josh Groban)
| | |
|
|
|
Hiya naman ako, as in! (hehhehehhe, meron pa ba ako nun?) first few days pa lang ng mga entries ko panay kahalayan na 'tong pinagsusulat ko, hhehehehh, baka naman sabihin ng mga tao eh ganun na ko kahaliparot, hehhehehehh!!!!, hindi naman, nagkataon lang na tumama sa araw na yun na yun talaga ang mga nangyari (syempre lahat ng palusot di ba?, char lang!) at wala akong maisip na i-post sa mga entires ko... may kabuluhan din naman yun ah, at saka rated R naman sya, hehhehehe!!
I'm sure kung mababasa 'to ng Schatz ko (oh ano, ang ganda di ba, may Schatz ako!), gyera-patani 'tong malinaw! na derecho sa hiwalayan blues! Ano lang 'to, kumbaga eh spice of life, parang paminta, garlic, basil, etc... Syempre sya pa rin ang original Love ko..........musta na? miss na miss na kita! homesicked nko talaga. muah!!! walang papalit sa puso mo sa puso ko, alam kong magkakasama rin tayo balang araw, hihintayin kita....... (anak ng pating!, dramang maliwanag 'to!)
Parang naglalaro ang pagkakataon. Kaninang umaga, papasok ako ng trabaho, nakasabay ko sa bus yung isang guy na nakasabay ko rin sa the same bus mga 1month ago na. Pagtuntong ko ng bus sya agad nakita kong pasahero, ewan ko, ang bilis ng memory ko, alam ko agad na sya nga yung nakasabay ko, mga January ata yun, di ko na matandaan ang date eh. Basta ang alam ko lang, nagkatitigan kami nun, tapos hindi halos maalis ang tingin namin sa isa't-isa hanggang sa bumaba na ako. Simula nun hindi ko na sya uli nakita o nakasabay man lang sa bus, hanggang kanina nga lang umaga. Naka-smile sya sa akin, smile din sympre ako, heeheheh
Andar ang bus, pinapakiramdaman ko sya, nasa bandang likod nya ako nakaupo pero hindi malapit sa kanya, ni hindi rin sya lumilingon. Nakita kong may kinuha sya sa bag nya, ballpen at kapirasong papel ata, may sinulat. Oberstrasse na, sya pala ang mauunang bababa, pag tayo nya, naka-smile na naman, sabay abot nung kapirasong papel, may phone number, may pangalan din sympre (hhhmmmm, aalamin nyo pa pangalan, kayo talaga intreguera!, basta R!). Smile back din ako sa kanya. Walang imik-imik, at bumaba na sya. Nakatingin sa aming dalawa yung mama na nakaupo sa katapat kong upuan, baka iniisip nyang pareho kaming pipi, heheheh. Umandar na uli ang bus, kumaway ako sa kanya, naka-smile lang ang loko!
Nasa trabaho na ako, nag-ring celfon ko, private number nakalagay kaya di ko alam kung kanino galing. Ganunpaman eh sinagot ko phone ko, babae, tinatanong kung sino daw ako na tumawag sa number nya kaninang mga 8:30am daw. Naalala ko, iminiskol ko nga pala yung number na ibinigay sa akin ni R matapos kong i-save sa celfon ko (i just want to make sure kung tama nga yung number na yun). Sabi nung girl eh kaibigan daw sya ni R, hindi ko lang sure kung friend na girlfriend o as in friend lang talaga. In fairness mabait naman at maayos kausap yung girl, hirap nga lang ako mag-German (wala pa kasi akong formal school eh, barok barok lang), buti na lang naintindihan ko rin sya at naintindihan din nya ako, hehehehehhhh!! Sabi nya eh nasa work daw si R, tapos ibinigay nya sa akin yung number kung san ko sya pwedeng makontak as of this day, kasi yung ibinigay pala nya sa aking number eh bago nyang number na lilipatan nya, bukas pa raw sya lilipat dun. So, ayun, nakuha ko yung number na tinitirhan nya sa ngayon.
Pagkauwi ko, balak ko sana syang tawagan agad, baka posibleng magkita kami sa gabi, linggo naman eh, pero nawala na sa isip ko. Ka-chat ko kasi sina Bren (yung bestfriend ko dito) at Ed(isang friend din from Saudi). Maya-maya nag-ring celfon ko, private number na naman, inexpect ko na si R na nga yun, at sya nga. Alam ko kasing nagregister yung phone number ko dun sa phone na tinawagan ko, kaya ako natawagan nung babae, at malamang ibinigay nya ang number ko dun kay R. Ayun, usap-usap (ano, naintriga na naman kayo sa pinag-usapan namin, oh ayan, bahala na kayo gumawa ng subject na pinag-usapan namin, hehhhehehe). Maayos na kausap, hindi ako nahirapan, sinabi ko agad na hindi pa ako ganun kagaling mag-German, so nag-Inglesan na lang kami. Taga South America pala sya, sa Venezuela, so hindi ako nahirapan.
Bukas ng gabi tatawag daw uli sya. Hintayin ko na lang.......
> salamat sa tabulas ni ays, sa kanya ko nakuha 'tong tabulas ek na ito. i'm sure mag-eenjoy ako dito, welcome naman jannnn!!! :)
> sympre sobrang excited ako gumawa ng mga journals dito, pero sa ngayon at dahil sa unang araw ko pa lang kelangan chika chika ek muna, introducing myself, knowing people from here, etc...
> ays, aders, fifolz, ako nga pala si DEN, hmmm, hulaan nyo kung saan nyo ako nakita, hehheheheh!!! pag nahulaan nyo bigyan ko kayo ng premyo, kizzzz!!! (pweh!) :)
> pos ko mga picz para ma-recognize nyo ako ha, pag hindi pa rin layas na ako dito, hehhehhe, charity sweepstakes lang!!
> ok?, kitakitz in the next few days....
> nga pla ays, nakuha ko tabulas mo sa isang german friend ko na nakabasa ng mga entries mo!, hindi nya maintindihan lahat kasi nasa tagalog yung iba. musta na mga taga-bonn, mizyah olz :)
> regards sa loved flock community...
newbie tabulerzzzz,
den